USMLE Forum - Largest USMLE Community
kababayan ka ba na magpapa-match? - jocapmd - Printable Version

+- USMLE Forum - Largest USMLE Community (https://www.usmleforum.com)
+-- Forum: USMLE Forum (https://www.usmleforum.com/forumdisplay.php?fid=1)
+--- Forum: Matching & Residency (https://www.usmleforum.com/forumdisplay.php?fid=5)
+--- Thread: kababayan ka ba na magpapa-match? - jocapmd (/showthread.php?tid=519163)



0 - ArchivalUser - 10-28-2011

hi enaj, i have interview thre on dec 1 .. kailan interview mo dun?


0 - ArchivalUser - 10-28-2011

@armigera: ui!hala sabay tayo!!dec 1 din ako! Smile saan ka mgsstay?ano email mo?mine is mjbelderol.


0 - ArchivalUser - 11-06-2011

Hello nga kababayan- kumusta na kayo? Busy na ang lahat sa IV's. Good luck sa into and galingan nyo. Kayang kaya yan. Ako silent pa rin. Better luck next time na lang siguro ako. Anyway, ang laki ng naitulong ng thread na ito, kaya salamat sa inyo. God bless!


0 - ArchivalUser - 11-10-2011

Hi everyone! mukhang busy na lahat dahil interview season. GL sa tin lahat! Smile i just got back from my 1st iv.. at ang masasabi ko lang ay.. ang dami indian & caribbean people. sana makita ko ang kahit isa sa niyo eventually Smile sobrang fun cguro non.

@jocapmd: nasa dasal kita! kamusta exam?

@chelsieanne02: wag ka mawalan ng pag-asa.. nde pa tapos ang laban! matumal din ang dating ng invites ko.. pero may pa-isa isa pa rin na dumarating. sinubukan mo na ba mag-email or tumawag? nangulit ako oct 30 ata. marami deadma, may reject, pro may dumating din after ko mangulit. wala namang mawawala to try Smile

natuloy ba ang get together?




0 - ArchivalUser - 11-10-2011

hello mga kababayan!!! musta na kayo....

had my first iv today sa PA. maganda yong hospital, isa sa top 100 hospitals dito sa america as reported by Reuters and has a Magnet Status. Super kintab ang mga sahig nila sa ospital hehehe. very accomodating ang mga residente, faculty, at ang PD. maganda ang flow ng interview.... halos lahat ng mga applicante nila doon ay AMGs. nasabi ng PD sa akin na meron din silang mga pinoy na nakapagtapos doon. ako ang kakaiba sa groupo ng 9 na applicante na na-interview ngayong araw kasi ako lang ang kayumanggi.... hehehe

self-confidence at ability to articulate yourself ang kailangan sa IVs para enjoy ang iv. talagang ibebenta mo ang iyong sarili sa mga mag-iinterview sa iyo...

goodluck sa ating lahat... huwag mawalan ng pag-asa. sa may mga IVs pa... make yourself standout sa mga IVs nyo. Kailangan galingan, step-up, and e-convey sa IV panel na tayo'y karapatdapat sa posisyon....


0 - ArchivalUser - 11-10-2011

salamat malaya and toxic for sharing....


0 - ArchivalUser - 11-11-2011

hello mga kababayan. second time ko lng magpost/reply dito, pero once in a while nachcheck ko rin tong forum ng mga kababayan.
Second try ko na ito for matching, last year nagtry ako pero 0 IVs. ngayon, wala pa din nagpapadala ng invites. ang creds ko 82/83/ CS with attempt, step 3 will take on december, 4 months USCE observership/externship. no research. YOG 2008, needs visa sponsorship. nagresidency ng few months dito sa pinas but I chose to continue applying there and magreview ng step 3. may 0.5 unit subject ako na-fail nung med school.
nakakalungkot. Nagtry na din ako tumawag sa mga programs, sabi ng ilan they are still reviewing applications daw, meron din nagsabing nakahold, meron din nagsend ng rejection few days after i called.
congratulations to all of you na may IVs na., sana magkaroon na din kami ng IVs kaming mga wala pang dumadating.
what do you think... tapos na ba ang pagsend nila ng invites? may hope pa ba sa cases like mine.. thank you.
God bless us all. Smile


0 - ArchivalUser - 11-11-2011

@chelsianne: don't worry marami pa mgcacancel cguro by end of nov to january so go go go lang..
@malaya: naku i agree talaga na ang daming pana at carib grad..hirap mkipagsabayan..ganun din ako nung first IV ko..pero buti nalang mukhang namang mababait yung nakasabay ko so ok lang..
@toxicmd: tama!self confidence at ida-an sa galing nga pagsasalita ng english..hehe..
@karekare: nakakagutom naman name mo..hehe..don't worry hanngang di pa nasusubmit ang ROL may pag-asa pa! ang iba naman kasi mgcacancel yan for sure pag naprematch so go go lang..

kamusta ang ibang kababayan?yung first interview ko ok naman..pero panel interview kaya mdyo mas scary.. at mdyo nagulat ako kasi may medical Q's na tinanong!nagulat lang ako konti pero smile pa rin..haha..ewan ko nga ba kung tama pinagsasabi ko basta yun na yun..the rest common's q's lng talaga bout ur CV..it helps pag may case ka na prepared kasi ngtatanong cla minsan..pero confidence lang talaga..yung isang member ng panel bilib sa pinoy docs to the point na isang brother nia sa pinas nia pinag aral ng med (i think he was middle eastern)..so goodluck sa lahat! next week interview na naman!




0 - ArchivalUser - 11-11-2011

Jocap: ano ba requirements for H1? Ang hospital ba gagawa nun or ipapadala sa pilipinas? Hindi ako sigurado pero parang prematch offer yung natanggap ko sa ibang specialty. Ewan Kung ano gagawin ko. Sabi ko babalik ako next week.

Nag-IV pala ako. Sabi SA akin old grad daw red flag ko. Ganun pala feeling. Gutsy mga fresh grads. Kahit Mali sagot SA rounds e sagot Pa rin sila. Hindi ako nakatulog. Competitive yung program. Anyway, salamat SA experience.

ArmigerA at doc enaj: see you SA prince George SA lunes at SA NY downtown.

Pagpalain tayo.


Yung kare-kare, anong taon ka naluto? Kung 2000 or 2001, mag step 3 ka na kasi yun magpapasarap SA yo SA mga hospital. Kung may usce ka, yun Ang perfect bagoong. Kaya natin to!!!

Chelsie: may dadating Pa kasi meron na cancellations.

San na si Malaya, lilithmd, pinay at faithworks?


Toxicmd: san ka na bossing?


Pinoy, itaas Ang bandila. Lunukin na mga batong puti ninyo at buhatin na Ang barbel!!!


0 - ArchivalUser - 11-11-2011

@puto: DARNA!hehe...ui sa december ka din ba sa NY downtown?see u nga!!